Topic List

Love Story ni Wow.

TRUE TO LIFE STORY ni WOW! (her screen name).


di ko lang alam kung kikiligin ka sa kwento ng lovelife ko , hehe

once upon a time, haha simulan naten sa 1st bf ko .. ahmm nagmit kami nun sa barko, same province kami pero sa cebu kami nagskul, totoy lang tingin ko sa knya nun kasi totoy nga tlga sya..i was 20 then graduating and sya 19 daw (pero 17 pla ang tutoo) tapos 3 kasi kaming magfren nun, since dalawahan lng nman pwed magkatabi so ako yung napunta sa upper deck, so nagkatabi kami pati nung bf ko, indi ko pa sya feel nun kasi totoy tlga..

tapos hiningi pa nya no. ko nun pero tinago ko cp ko sinabi kong ala akong cp til 1 time ung best fren ko tumawag at andun ung bf ko sa bahay so bistado na akong may cp pla, ayun insist sya hingi ng no. ko, ayaw ko pa rin bigay sabi ko ala akong pangload kaya di ko prin sya matext tas insist parin sya gang sa binigay ko nlng, maya maya niloadan nya na pala ako, yung load na yun hiningi pa nya sa bakla na may gusto daw sa knya, hahaha crazy tlga, sabi nya padalhan daw ng load yung ate nya at no. ko ang binigay..

tapos ayun tumatawag na sya at laging nagttext at niloloadan ako, haha gang sa napapansin na ng mga frens ko iba n daw kinikilos ko pagbumibisita sya, haha tas napansin ko din namimiss ko na sya, haha tas lagi ba naman kaming iniiwan ng mga frens ko pag nasa lakaran kami, so ayun ihahatid nya na ako sa boarding house namin, tas naalala ko pa tatawid kami nun , aalalayan nya ako pero ayaw ko kasi inaakbayan nya ako and he's the first guy na aakbay sakin so iba tlga ung feeling, haha tas hahawakan nya hands ko ayaw ko din natatakot ako,hahaha gang sa naging bf ko na sya takot na takot ako nun lalo na nung 1st kiss nya sakin  grabeh i cried tutoo...feeling ko responsibility nya na ako, hahaha gang sa naglast kami ng saktong 2 years tapos sad na nagyri kinuha na sya ni lord, hehe

si 2nd bf ko si current... si current kasi magbf pa kami ni 1st umaaligid na sya sakin pero alam nyang love na love ko si 1st, so dun daw sya nainlove sakin gusto nya daw ng ganung klase ng love at inggit na inggit sya kay 1st gang  ngayon ata ewan ko lang,haha  sa 2 years namin ni 1st ganun din katagal nag antay si current kahit na hindi ko sya pinapaasa, tas ayun nung nawala si 1st laking tuwa naman ni current may chance na daw sya, hahaha  dahil naman sa sobrang love ko si 1st di ko kayang mag move on ng mag-isa so kinailangan ko rin help ni current, hahaha sya na rin nag offer eh kahit daw p*****p  b***s (ayokong sabihin) ok lang sa kanya , naisip ko din na siguro love nya nga tlga ako kasi nagwait din tlga sya sakin so sinagot ko sya,

tapos ayun kahit di mo masyadong love ang isang tao pag nakita mong love ka nya maiinlove kn rin , kaya super inlove na ako sa knya, tas alam mo ba kahit na magkalayo kami sya ang laging tumatawag saken, to think ako ang may work nuon ako ang may pera kumbaga, sya nasa bahay lang sya nuon naghahanap plng ng trabaho pero naghahanap sya ng paraan para makausap ako, nagbebenta sya nun ng mga bakal bakal or di kaya mga sira nilang gamit para lang makabuo ng p100 pantawag sakin sa saudi mahal kasi, masasabi ko na ring long distance relationship kami kasi minsan pa lang kami nagkasama tapos malalayo sa isat isa ng matagal, pero kitang kita ko love nya tlg ako, ganun pala yon nung una nagmahal ako ng sobra ngayon binalik sakin ng triple pa, kaya ang saya saya..

 kilala na rin sya ng family ko ganun din ako sa family nya.. 5 years na kami this month lang, ang bilis pero parang kailan lang nagng kami at laging fresh ang love nya para sakin, oldo minsan meron ding di pagkakaunawaan pero ang importante sakin parin sya umuuwi kahit na pinagtatabuyan ko na sya, haha ako pa rin pipiliin nya, sana lang hindi sya magbago... o ayan alam nyo na talambuhay ko....hehe   gusto ko sya na, ayoko na ng ibang kamay na hahawak sa kamay ko, ayoko na rin ng ibang brasong sasabitan ko,haha  sana tlga kami na..parang ako ata ang kinilig... 

ang sarap ma-inlove  parang heaven. ;)))

Gusto mo din ba i-kwento ang love story nyo? wag mahiyang i-add ako sa facebook:


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento