Topic List

Multo, at mga bagay na di mai-paliwanag ng sensya, totoo ba sila o kathang-isip lang ng mga Pilipino?

Totoo nga ba talaga kaya ang Multo? Mga bagay bagay na hindi maipalwinag sa ating mundo.. do they really exist?
At sa tingin niyo, bakit nga ba sila naririto pa kung sila'y sumakabilang buhay na? Wala pa po kasi akong experience tungkol diyan.. pero kahit wala pa akong experience, natatakot parin ako sa thought na baka mayroon nga.. May mga taong naniniwala at meron na namang hindi mo makukumbinsing maniwala sapagkat hindi pa nila ito nararanasan... Pero, sa dami ng taong nagsasabi na naranasan na daw nila ito, hindi ka pa rin ba kumbinsado sa mga yon?



Para sa tulad ko. Totoo po na nageexist sila, bagaman hindi sila nakikita ng iba pero ito ay dahilan hindi sila sensitibo sapagkat ang mga nilalang na iyan ay nageexist hindi sa physical plane. Sa mga hindi po naniniwala ay hindi po natin sila masisisi dahil maaaring wala pa silang experience sa ganun o hindi pa nakakita o nakaramdam. Ikaw ba kung ang isang bagay na hindi mo nasaksihan pero nasaksihan ng iba at marami ang nagsasasabi tungkol doon at parepareho at consistent ang kanilang mga salaysay eh hindi ka ba maniniwala?

Sa mga masyado namang panatiko sa relihiyon lalo na sa mga christian denominations na ayaw maniwala sa existence ng multo at palaging ini-equate o ipinapareho ang mga multo at espirito sa mga devils at masasamang espiritu ito po ay malaking kababawan.

Unang-una maraming niliha ang Diyos hindi lang mga tao at hayop sa physical na mundo nating ginagalawan. Marami din siyang nilalang na mga hindi physical or creatures in spirit form or espiritwal ang kalagayan hindi sila dugo, buto at balat. Marami ang klase ng mga espiritu nandiyan ang mga elementals gaya ng mga duwende, kapre at tikbalang - they are Earth spirits, andiyan ang mga sirena at mga undin - mga water spirits, andiyan ang mga fairies - di ko alam ang tawag sa fairies sa tagalog - isa lang sa mga halimbawa ng mga spirits of the air meron pang fire spirits gaya ng salamanders, etc..pero di ko na iisaisahin pa sa dami nila dahil karamihan sa kanila hindi pa naencounter o narinig ng karamihan ng mga pilipino.

Ngayon tungkol naman sa multo, karamihan sa mga multo ay mga taong namatay na pero hindi sila makatawid sa kabila. Sila ang mga tinatawag na mga earthbound spirits pero hindi nangangahulugan na sila ay evil o masama. Ang iba sa kanila ay hindi pa nila alam na patay na sila halimbawa yung mga namatay na biglaan (sudden death) gaya ng mga namatay sa aksidente. yung iba naman hindi makatawid sa kabila dahil may mga unfinished business pa sila o yung attention nila nakatuon pa dito sa dati nilang buhay kaya kahit damputin sila ng liwanag hindi sila makasama sa liwang dahil sa mga bitbit nilang ayaw pa bitiwan gaya nga ng mga unfinished business nila dito, mga agam-agam, mga worries, o mga sama ng loob.

Kaya nga palagi tinuturo sa atin from religious preaching na huwag ka magtatanim ng sama ng loob. Kung may galit ka sa kapwa mo resolve it before the sun sets down dahil hindi mo alam kung magigising ka pa dahil ang mga negative things gaya ng galit, hinanakit sama ng loob, inggit, etc ay nakakaapekto sa iyong kaluluwa, mahihirapan ka makatawid dahil ang energy signature o vibration ng mga negative things na iyan ay hindi compatible sa liwanag kaya mahihirapan ka makatawid. Kaya yung mga multong iyan o mga earthbound spirits nanatili dito sa lupa at usually naghahanap din yan ng matitirahan ang gustong gusto nilang tirahan ay yung tahimik kaya usually pag ang isang bahay walang nakatira at tahimik diyan sila tumitira. Those earthbound spirits are not necessarily evil. Pareho din natin sila gaya ng tao may masama may mabuti.
We are dual in nature we can be both good and bad.

Kung narinig ninyo ang tungkol sa group ni Tony Perez and the spirit questors ang isa sa mga ginagawa nila ay tintulungan nila itong mga earthbound spirits na ito na makatawid sa liwanag. Ewan ko kung active pa sila kasi karamihan ng members nila ay mga volunteers lang at usually sila yung mga taong bukas ang 
3rd eye - we call them clairvoyant. clairvoyance is the ability to see things that cannot be seen by physical sense of sight. Natural lang na hindi natin basta basta makikita ito through our ordinary eyes dahil ang mga physical na mga mata natin ay ginawa ng Diyos para magfunction lang dito sa physical world at hindi sa ibang level of dimension gaya ng spirit planes. SOrry for the terms:

Planes or Dimensions -> Are levels of existence.

Sa mga hindi naniniwala it doesn't matter dahil di naman natin masisisi sila kung wala pa silang karanasan para maniwala. Ika nga to see is to believe. Sa mga nakakita na i-relate nyu na lang mga expriences ninyo. Sa dami ba naman ng mga nakakita na at naka-exprience na sa mga bagay na ito eh paano natin masasabi na sila ay nagsisinungaling? Kahit mga libro ay puno ng mga ganitong bagay na nakasulat mulat mula pa sa kasaysayan ng tao dito sa mundo, paano natin masasabi na hindi totoo ang mga ito? Isa pa hindi porket hindi kayang ipaliwanag ng Science ang mga bagay na ito ay hindi ibig sabihin na hindi ito totoo. May mga bagay talaga na hindi maipapaliwanag ng Science dahil hindi naman perpekto pa ang Science natin ngayon, marami pa ang dadating na kaalaman at matutuklas habang tumatakbo ang panahon, patuloy na processo ang pag-unlad ng Science o Syensya at paglago ng kaalaman natin at balang araw ay maipapaliwanag din ang mga ito ng Science.

Sa pagsulong ng Science natin ngayon maaring ang mga dating pinaniniwalaan na totoo sa Science ay mabelawala dahil sa mga bagong discoveries, parang yung bagong facts o information ay maikokorek ang mga mali halimbawa na lamang ng latest discovery sa CERN Laboratory sa Europe na hindi pala liwanag ang pinakamabilis na bagay ngunit mayroon pang mas mabilis sa liwanag at ito ay tinatawag na neutrino a kind of particle. Ang liwanag kasi ay consist ng particles na tinatawag na photons. Anyway that is complicated kailangan mo na mag-aral ng Physics para maintindihan iyan pero ang point ko is, dahil sa patuloy na pagunlad at pagsulong ng Science, naicocorrect nito ang mga old scientific facts o mga kaalaman na akala ng Science ay totoo ay mali pala at pati ang mga hindi natin maipaliwanag ay maipapaliwanag at maiintindihan sa pagdating ng takdang panahon. Sa nangyaring iyan na bagong discovery sa CERN maaring madisprove ang theoria ni Einstein na Law of Relativity na matagal ding panahon na tinangkilik ng Science na katotohanan o facts dahil ayun kay Albert Einstein, liwanag na daw ang pinakamabilis at yun ay totoo hanggang sa madiscover nga ito last month lang binalita ng CERN.

Anyway balik tayo sa topic, ang punto ko is that anu mang bagay ay may katapat na kapaliwanagan or explanation kung hindi ngayon, malamang sa hinaharap gaya ng mysteryo ng mga multo at espiritu.

Kung may mga natatakot man sa mga bagay na ito gaya ng multo iyan ay natural lang. Nakakatakot talaga ang isang bagay na hindi natin alam at hindi natin kayang ipaliwanag, mga bagay na hindi natin maintindihan.
It is natural for humans to fear the unknown, things that cannot be easily understood such as ghosts and death..



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento